Public address ni Pangulong Aquino ngayong araw sesentro sa Mamasapano encounter

pnoyMagbibigay ng public address si Pangulong Benigno Aquino IIII ngayong araw at inaasahang tungkol sa Mamasapano encounter ang ihahayag nito.

Batay sa abiso mula sa Malakanyang, alas 12:00 ng tanghali mamaya magsasalita ang Pangulong Aquino sa Heroes Hall na live na mapapanood sa lahat ng television channel at mapapakinggan sa radyo.

Ayon sa source ng Inquirer, ilalahad ng Pangulo ang resulta ng isinagawang panibagong imbestigasyon sa pagkamatay ng 44 na tauhan ng SAF.

Ang ilalahad na resulta ng imbestigasyon ng Pangulong Aquino mamaya, ay tataliwas umano sa resulta ng mga nauna nang imbestigasyon na isinagawa ng PNP, Senado at Kamara.

Kahapon sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na iniutos ni PNoy ang imbestigasyon para magkaroon na ng closure ang isyu at malaman na ang ‘final truth’ sa itinuturing nilang isa sa mga ‘traumatic events’ sa administrasyong Aquino.
“This is about making sure that we close this issue once and for all,” ayon kay Lacierda.

Sinabi ni Lacierda na dahil maraming bersyon na lumalabas, marapat lamang na ma-validate ang mga ito para malaman ang totoo.

Read more...