Trump, bahagyang nalito sa ‘Handshake chain photo-op’ ng ASEAN Summit 2017

By Rod Lagusad November 14, 2017 - 03:15 AM

 

AP photo

Hindi nabuo ni US President Donald Trump ang photo op para sa handshake ng mga dumalong world leaders sa ASEAN Summit 2017.

Hindi nagawang maabot ng kamay ni Trump ang kamay ng host ng naturang summit na si Pangulong Rodrigo Duterte na nagdulot ng pagkaputol ng handshake ng mga world leaders.

Bagkus ay parehong hinawakan na lang ni Trump ang parehong kamay ni Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.

Matapos ang ilang saglit na sandali ay napansin na ni Trump ang kanyang pagkakamali at itinama ito.

Kilala si Trump sa kanyang mahaba at mga agresibong handshake sa mga world leaders.

Ang naturang handshake chain ay pagsasama-sama ng sampung bansang bumubuo sa ssociation of Southeast Asian Nations (ASEAN) kasama ang mga lider ng mga bansang China, US, Russia, New Zealand, Australia, India, Canada, Japan at South Korea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.