Netizens, bumanat sa pro-Duterte blogger na kumumpronta sa BBC correspondent
Umani ng katakut-takot na batikos mula sa mga netizens at sa publiko ang ginawa ng isang pro-Duterte blogger sa isang mamamahayag ng British Broadcasting Corporation (BBC) sa kasagsagan ng coverage ng ASEAN summit kahapon.
Iba’t ibang negatibong komento mula sa social media ang ipinukol ng mga netizens sa ‘blogger’ na si Sass Rogando Sasot nang komprontahin nito ang BBC correspondent na si Jonathan Head na nagkokover ng mga kaganapan na may kaugnayan sa ASEAN Summit.
Sa isang video, makikita ang pagkuwestyon ni Sassot kay Head sa naging basehan ng BBC kung bakit nagawa nitong i-feature ang isang ‘very minor blogger’ na si Jover Laurio ng ‘Pinoy Ako Blog’ upang depensahan ang kanyang sarili.
Giit ni Sasot, ito’y sa kabila ng katotohanang mas malaki at malawak naman ang kanyang ‘following’ at Facebook engagement sa social media kumpara kay Laurio.
Paliwanag naman ni Head, maaring pag-usapan sa ibang panahon ang naturang isyu at hindi sa panahon ng ASEAN coverage.
Makikita naman sa video ang kapwa pro-Duterte supporter at Assistant Secretary Mocha Uson na pinapanood lamang ang paghaharap ng dalawa.
Ayon naman sa mga netizens, hindi maganda ang ipinakitang asal ni Sasot.
Ang ilan naman ay nagsabing umeksena lamang ang naturang blogger.
Samantala, pinuri naman ng ilan ang pagiging propesyunal ng BBC journalist sa kabila ng mga pahayag ng pro-Duterte supporter sa gitna ng ASEAN coverage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.