Japan, hindi nakikipag-agawan ng atensyon sa China

 

File photo

Nilinaw ng Japan na hindi sila nakikipagkompetensya sa China sa pagbuo ng mga impluwensya at ugnayan sa rehiyon.

Sa pagharap ni Japan Ministry of Foreign Affairs Press Secretary Norio Maruyama sa media sa side lines ng 31st ASEAN Summit, sinabi niyang hindi sila nakikipagtunggali sa kahit anong bansa sa aspetong may kinalaman sa ekonomiya, pulitika at military influence.

Gayunman, nabanggit ni Maruyama na kamakailan lang ay napag-usapan nina Japanes Prime Minister Shinzo Abe at Chinese President Xi Jinping ang isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Maruyama, nagkasundo ang dalawang bansa na gawing “sea of peace, friendship and cooperation” ang South China Sea kasabay ng pangakong patuloy na pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Ang maitutulong aniya sa ngayon ng Japan ay ang mahigpit na pagmo-monitor sa mga sitwasyong nangyayari sa South China Sea.

Read more...