Dagdag na pressure North Korea, hiniling ni Japanese PM Abe sa mga ASEAN leaders

 

Muling nanawagan si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa mga kapwa niya lider na dagdagan pa ang pressure sa North Korea sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga resolusyon ng Security Councils.

Giit ni Abe, ang mga isyu ng nuclear at missile testing ng North Korea ay isang “grave and imminent threat” na kailanman ay hindi pa nila naranasan.

Hinimok ni Abe ang kaniyang mga kapwa pinuno na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang baguhin ng North Korea ang polisiya nila tungkol dito.

Matatandaang ilang beses nang naglunsad ng missile tests ang North Korea na lubhang pinangangambahan hindi lang ng mga kalapit nitong bansa kundi pati ng iba pa tulad ng Estados Unidos.

Isa ang nuclear at missile testing ng North Korea sa mga nangungunang security concerns na natalakay sa 31st ASEAN Summit na dinaluhan din ni Abe, South Korean President Moon Jae-in at US President Donald Trump.

Read more...