‘Landmark agreement’ para sa proteksyon ng migrant workers, lalagdaan ng ASEAN leaders

By Jay Dones November 14, 2017 - 01:04 AM

 

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang lagdaan ng mga lider ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang isang ‘landmark’ agreement na magbibigay proteksyon sa mga migrant workers.

Sa ilalim ng “Asean Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers,” ipinapakita ang hangarin ng bansa na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa ibayong dagat.

Ayon sa pangulo, isinasaad sa joint statement ang kahalagahan na matiyak na maayos ang kalagayan ng mga migrant workers na kaakibat ng progresong pang-ekonomiya ng rehiyon.

Nagawa na aniya itong maisapinal ng mga Labor Ministers na dumalo sa ASEAN meeting at inaasahang malalagdaan ngayong araw sa pagtatapos ng pagpupulong.

Dagdag pa ng pangulo na nagsisilbing chairman ng ASEAN meeting ngayong taon, kanila nang inatasan ang mga Labour Ministers na gumawa ng action plan upang maisakatuparan ang nilalaman ng kasunduan.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.