Ayon kay PDEA-Central Mindanao director Gil Cesario Castro, naging katuwang ng kanilang mga ahente ang mga pulis at iba pang law enforcement units sa isinagawang operasyon.
Isinilbi nila ang search warrants laban kina Richard Balbini at misis nitong si Heanette na hinihinalang miyembro ng Bawan Drug Group sa Pigcawayan.
Hindi naman na pumalag ang mag-asawa nang masukol sila ng mga otoridad.
Nasamsam mula sa tahanan ng mag-asawa ang 50 gramo ng shabu, isang 9-mm na baril na may kasamang dalawang magazines at mga bala, isang caliber .22 na rifle at magazine, isang netbook, camera, ilang pass books, bank notes at Toyota Fortuner.
Mahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.