Panatilihin ang progreso upang maibsan ang tensyon sa South China Sea-ASEAN draft statement

By Jay Dones November 14, 2017 - 12:33 AM

 

Bagamat kalmado na ang sitwasyon sa South China Sea, hindi dapat maging kampante ang mga bansang kasapi ng ASEAN at ang China at tuluyang magsumikap upang maresolba ang sitwasyon sa naturang rehiyon.

Ito ang nilalaman ng draft statement na inihahanda ng mga lider na dumadalo sa ika-31 ASEAN Summit sa bansa na kanilang ilalabas sa pagtatapos ng pagpupulong.

Sa nasabing statement, isinasaad ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng mga ASEAN countries at China upang mapanatili ang kapayapaan, freedom of navigation and overflight at stability sa rehiyon na napapaloob sa international law.

Nasa interes aniya ng lahat ng mga bansa na maiwasan ang ‘miscalculation’ sa sitwasyon upang hindi na muling tumaas ang tensyon.

Una nang tinawag ng China at ASEAN countries na isang mahalagang milestone sa usapan ang adoption noong Agosto ng kani-kanilang foreign ministers ng Framework of the Code of Conduct sa South China Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.