Duterte personal na nagpasalamat sa Japanese PM sa naitulong sa Marawi

By Chona Yu November 14, 2017 - 12:01 AM

 

Personal na pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa ipinaabot na tulong sa Marawi City.

Sa bilateral meeting kagabi, pinasalamatan din ni Duterte si Abe dahil sa mga ginawang hakbang para matuloy ang kanyang pakikipagpulong kay Emperor Akihito at Empress Michiko.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagtungo si Duterte sa Japan para sa official visit kasama ang partner na si Honeylet Avanceña para makipagpulong sa emperor at kay Abe.

Pagkatapos ni Abe ay nagkaroon din ng bilateral meeting ang pangulo kay Indian Prime Minister Narenda Modi.

Ayon sa pangulo, nais pa niyang palalimin ang relasyon ng Pilipinas at India.

Katunayan, inimbitahan pa ni Duterte si Modi na bumalik sa Pilipinas at hinimok ang India na mag-invest sa medisina.

Ayon sa pangulo, affordable o mura ang mga gamot sa India.

Dagdag rin ng pangulo, hindi naniniwala ang Amerika sa generic medicine.

Nagkaroon ng memorandum of understanding o MOU ang dalawa.

Kabilang sa nilagdaan sa MOU ang agriculture and related fields, foreign services, at cooperation on micro, small, and medium enterprises o MSME.

Samantala, inimbitahan din ni Modi si Duterte na bumisita sa India sa Enero para sa Indian Summit.

Tugon ng pangulo na in God’s will ay magtutungo siya sa India.

Pagkatapos ng India ay nagkaroon din ng bilateral meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korean President na si Moon Jae In.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.