2 nadakip sa Baghdad, Iraq, pinakawalan na

By Stanley Gajete September 17, 2015 - 06:49 AM

BahgdadMatapos dakipin sa Baghdad, Iraq ang 18 Turkish workers, pinakawalan naman ngayon ang dalawa sa mga nadakip.

Ayon sa ulat ng Turkish at Iraqi officials, manggagawa ang dalawang pinakawalan ng Turkish construction firm na Nurol Insaat, kung saan sila ay dinukot noong Setymebre 2 sa Sadr City, Baghdad Iraq.

Mangagawa sa isang football stadium project ang mga biktima na dinukot ng mga armadong kalalakihan.

Matapos nito’y inako naman ng militanteng grupo na Shiite, o isang grupo ng mga Muslim.

Isang hindi pa nakikilalang militanteng grupo naman ang nag-post ng video sa internet na nagsasabing sila ang nasa likod ng mga kidnapping, at nagbigay ng listahan ng kanilang mga gustong makuha kapalit ng kalayaan ng mga biktima.

Sinabi naman ni Turkish ambassador to Iraq, Faruk Kaymakci na nasa maayos na kalagayan na ang pinalayang mga biktima.

TAGS: Bahgdad kidnapping, Bahgdad kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.