Nilinaw ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na hindi inaabandona ang public-private partnerships (PPP) na isinulong ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa dayalogo sa mga kilalang negosyante sa bansa, tiniyak din ni Dominguez na maging ang joint ventures (JV) ay ikinukunsidera din sa ‘Build, Build, Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng kalihim kung anong pamamaraan na mas magiging kapakipakinabang sa tao ay iyon ang kanilang gagawin.
Sinabi pa nito na bukas ang administrasyong-Duterte sa mga suhestiyon sa pagpapatayo ng mga imprastraktura basta hindi na ito mangangailangan ng subsidiya mula sa gobyerno.
Kinilala din nito ang naging diskarte ng nakalipas na administrasyon na may malaking pondo na naiwan para sa ipapatupad na mga proyekto at programa.
Pagtitiyak pa ni Dominguez na hindi nila tatalikuran ang naiaambag ng pribadong sektor sa large-scale infra projects dahil kailangan nila ng mga private contractors.