Trump aminadong nag-enjoy sa pagdalo sa ASEAN Summit sa bansa

Inquirer photo

Naging first name basis na ang naging pagtawag ni U.S President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 5th ASEAN-U.S Summit, Rodrigo na lamang ang itinawag ni Trump sa Pangulong Duterte.

Hindi rin naiwasan ni Trump na muling pasalamatan at sabihan na “fantastic” si Duterte dahil sa mainit na pagtanggap sa mga world leaders na kasapi ng ASEAN at sa mga dialogue partner.

Sinabi ni Trump na naging maayos ang pangangasiwa ni Duterte sa ASEAN Summit ngayong taon at inamin niyang nag-enjoy siya sa naging mga presentasyon sa mga pagtitipon tulad ng ginanap na gala dinner.

Kasabay nito, nangako rin si Trump na magkakaroon ng bukas na Indo-Pacific region kung saan ang mga bansa ang may kabuuang kontrol sa kanilang destinasyon.

Sinabi pa ni Trump na ang kanyang presensya sa ASEAN-U.S Summit ay para magtaguyod ng kapayapaan, at seguridad sa rehiyon at U.S.

Umaasa rin si Trump na magkakaroon ng malakas, matagumpay at matatag na relasyon ang amerika sa mga bansa sa Southeast Asia.

Read more...