Ilang world leaders naging abala sa labas ng ASEAN Summit

Photo: Jong Manlapaz

Bumisita sa Headquaters ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull.

Binigyan ng arrival honor si Turnbull sa pangunguna ni  AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Salvador Melchor Mison Jr.

Si Turnbull ay nagpunta sa Camp Aguinaldo para makipagpulong kay Defense Sec. Delfin Lorenzana at saksihan ang training demonstration ng Australian Defense Force at ang counterparts nito na AFP

Ipinakita rin ng magkabilang panig ang joint traning para sa counter-terrorism at urban warfare.

Ang mga tropa ng Australian military ay kabilang sa mga naging katuwang ng AFP sa pagsasagwa ng intelligence gathering laban sa mga miyembro ng Maute group sa Marawi City.

Samantala, napunta naman sa Philippine General Hospital sa Maynila si Indian Prime Minister Narendra Modi.

Pinangunahan ng Indian official ang pamimigay ng 150 prosthetic limbs para sa ilang pasyente ng PGH.

Nangako rin ang Indian Prime Minister na magbibigay ng mga gamot sa nasabing ospital.

Kaninang hapon ay pinangunahan ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pag-iinspeksyon sa mga bagong e-jeepney sa Makati City.

Ang nasabing mga jeepney ay fully-equipped ng ilang mga kagamitan para sa mga person with disabilities.

Naging mahigpit ang ipinatupad na seguridad sa mga lugar na pinuntahan ng ilang mga world leaders na kasalukuyang nasa bansa kaugnay sa ASEAN Summit.

 

Photo: Jan Escosio
Read more...