Dagdag na buwis sa 3-in-1 coffee at ilang mga produkto ipinabubusisi ni Ejercito

By Ruel Perez November 13, 2017 - 05:01 PM

Inquirer photo

Gustong ipabusisi ni Sen. JV Ejercito ang isinusulong na tax reform program ng Duterte administration sa ilalim ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion na magpapataw ng dagdag na buwis sa mga sweetened beverages at iba pang pangunahing bilihin sa pagbabalik ng sesyon ng senado.

Ayon kay Ejercito, iaapela rin niya sa economic managers ng pangulo na repasuhin ang posisyon ng gobyerno sa TRAIN dahil na rin sa inaasahang matinding impact nito lalo na sa mahihirap.

Partikular na nababahala si Ejercito sa magiging epekto ng TRAIN sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin lalo na sa pagkain.

Giit ni Ejercito, dapat silipin muna ng gobyerno kung kailangan pa ba ang TRAIN lalo na at sa pinakahuling koleksyon ng Bureau of Customs kung saan kumita ito ng P42 Billion.

Noong Oktubre ngayong taon, pinakamataas sa kasaysayan ng BOC at ang nakolekta ng BIR na P138 Billion noong Setyembre na mas mataas sa itinakdang target na koleksyon ng BIR na P130.12 Billion para sa nabanggit na buwan.

TAGS: Ejercito, seetened beverages, tax, Train, Ejercito, seetened beverages, tax, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.