Ngunit may pagkakamali sa petsa ng sulat na tinanggap ni LTO Law Enforcement Dir. Audie Arroyo na naglalaman ng reklamo laban kay Lopez.
Ang petsa ay November 13, 2016 at para kay LTO Chief Edgar Galvante.
Pasado alas-2 ngayon ng hapon ay itinama na ang petsa ng sulat na kaugnay sa ilegal na pagpasok nito sa ASEAN lane.
Sa sulat na pirmado ni MMDA Dir Victor Pablo Trinidad hiniling nito ang pagbawi sa non-professional driver’s license ni Lopez bukod pa sa dapat din itong pagmultahin.
Ginamit ng MMDA, ang mismong Instagram post ni Lopez hinggil sa ginawa nito ang kanilang gagamiting ebidensiya sa kanilang reklamo.
Base sa inilabas na show cause order, inuutusan si Lopez na humarap sa pagdinig ng LTO Law Enforcement Service sa November 16 ganap na alas-diyes ng umaga.
Ayon sa opisyal, maituturing na serious security breach ang ginawa ni Lopez.
Humingi na ng paumanhin si Lopez sa kanyang ginawa at nangatuwiran na dahil sa naiihi na siya kaya napilitang dumaan ng ASEAN lane.
Binanggit din nito na tatlong oras na siyang naiipit sa matinding traffic noong nakalaipas na Sabado ng gabi.