Umaasa ang ina ni Sen. Grace Poe na mapapanindigan ng anak ang kaniyang pangalan sa pagsabak nito sa presidential race.
Bago ang pag-anunsyo ng pagtakbo ni Poe bilang pangulo sa 2016 elections, sinabi ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces na sana ay mangalagaan ng anak ang pangalan nito.
Nais din ng biyuda ni Fernando Poe Jr. na makayanan ng senadora ang mga hamon ng pulitika lalo’t lalaban na ito sa pagka-pangulo.
Ayon kay Susan, ang pulitika ay parang showbiz na maraming intriga kaya sana raw ay maging matapang ang anak sa pagharap ng mga ito.
Samantala, sinabi naman ng anak ni Poe na si Brian na handa na ang kanilang pamilya sa anumang hamon ng pagtakbo ng ina sa pagka-presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.