Human rights group kinondena ang dispersal sa mga ralyista sa ASEAN Summit
Binatikos ng ASEAN Civil Society Conference ang marahas na dispersal ng mga pulis sa mga raliyista.
Ayon kay Dr. Ed Tadem, co-convenor ng ACSC, ang ipinakitang karahasan ng mga pulis kontra mga militante ay nagpapahiwatig lang ng hindi pagkaka-pantay-pantay sa lipunan.
Nagpapakita rin umano ito ng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon naman kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde, nagpakita ng maximum tolerance ang mga anti-riot police at hindi naging bayolente.
Dagdag pa ni Albayalde, hindi rin maituturing na ‘peaceful’ ang ginawang kilos-protesta ng mga militante dahil sila ang naunang pumukpok sa mga pulis.
Nakiusap rin si Albayalde sa mga raliyista na maging mahinahon dahil binibigyan naman sila ng karapatang magpahayag ng saloobin basta’t wag lamang silang lalabag sa mga alituntuning itinakda ng batas.
Simula noong nakalipas na weekend ay ilang beses na nagtangkang makalapit sa U.S Embassy ang mga miyembro ng militanteng grupo subalit sila ay nabigo dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga pulis.
Hindi rin nakaporma ang mga ralyista sa kanilang pagtatangka na makalapit sa CCP at PICC na siyang sentro ng mga aktibidad kaugnay sa 31st ASEAN Summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.