“Great relationship” ng Pilipinas at U.S ibinida ni Trump
Matapos maantala ng halos isang oras, natuloy na ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S President Donald Trump.
Sa pulong ng dalawang lider, sinabi ni Trump na nagkaroon ng great relationship ang Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Trump, very successful ang mga isinasagawang meeting kaugnay sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit kung saan ang Pilipinas ang kasalukuyang chairman.
Maayos aniya ang naging pamumuno ni Pangulong Duterte at ng mga tagapamahala ng ASEAN sa pagpupulong ng mga world leaders.
Hindi rin naiwasan ni Trump na humanga sa mga nagtanghal kagabi sa special gala dinner na ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City.
Higit na hinangaan ni Trump ang maayos na pagtrato ng pilipinas sa kanya at sa iba pang world leaders.
Sa huli, pinasalamatan ng U.S leader si Duterte at ang Pilipinas sa mainit na pagtanggap sa kanya.
Ilang mamahayag mula sa Malacañang Press Corps at foreign news organizations ang pinayagan na magkaroon ng photo spray o photo opportunity sa pagpupulong.
Pero bago pa man ang pormal na simula ng bilateral meeting agad nang pinalabas sa kwarto ang mga kagawad ng media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.