Dokumento ng tatlong OFWs na nabiktima ng Salisi Gang, na-recover sa Quezon City

By Len Montaño November 13, 2017 - 01:03 PM

Narekober ng pulisya ang mga dokumento ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nabiktima ng salisi gang sa Pasay City noong nakaraang linggo.

Ayon sa otoridad, nakita ng isang tindero ang mga dokumento ng mga OFW sa Mega Q-Mart sa Cubao, Quezon City.

Pero hindi na narekober ang P80,000 cash, siyam na cellphone at ilan pang gamit ng mga biktima.

Tinutugis pa rin ng pulisya ang isang babaeng suspect na nakilala sa pangalang Gabriel Rut na nakilala ng mga OFW sa airport pagdating nila mula sa Middle East.

Magpanggap ang suspek na OFW at kinumbinse ang mga biktima na maki-share ng kwarto sa hotel habang hinihintay ng mga biktimaang flight nila papuntang General Santos City.

Nagpunta ang tatlong OFW at suspect sa mall at doon ay kinumbinse ang mga biktima na iwan sa kanya ang mga cellphone at cash at pati ang mga gamit nila sa hotel ay tinangay na.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: quezon city, Salisi Gang, quezon city, Salisi Gang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.