Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Costa Rica.
Sa datos ng U.S. Geological Survey, ang lindol ay naitala sa Pacific Coast ng Costa Rica sa 10 miles southeast ng Jaco na 100 kilometers lang ang layo sa San Jose.
May lalim na 12 miles ang pagyanig.
Sa lakas ng lindol, naglabasan ang mga tao sa lansangan.
Wala pa namang napaulat na nasugatan dahil sa nasabing pagyanig.
Unang naitala ng USGS na magnitude 6.8 ang lindol pero kalaunan ay ibinaba ito sa 6.5.
Samantala, pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba na maaring magdulot ng tsunami sa Pilipinas ang lindol.
Ayon sa Phivolcs, walang tsunami threat na itinaas bunsod ng nasabing pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES