Patay sa lindol sa border ng Iran at Iraq, umabot na sa 130
Mahigit 130 katao ang nasawi sa magnitude 7.3 na lindol na tumama sa border ng Iran at Iraq.
Patuloy pa ang isinasagawang rescue operations sa mga biktima na posibleng na-trap sa mga gumuhong gusali.
Sa pahayag ng deputy governor ng Kermanshah province sa Iran, pinangangambahan nilang madagdagan pa ang death toll.
Marami kasiing gusali ang gumuho at posibleng maraming natabunan.
Sa bilang ng mga nasawi, mahigit 60 ay mula sa bayan ng Sarpol-e Zahab sa nasabing probinsya.
Sa Iraq, anim ang iniulat na nasawi at 50 ang nasugatan.
Gabi ng Linggo ng tumama ang malakas na lindol at naitala ang epicenter nito sa pagitan ng Iran at Iraq.
Dahil sa lakas ng pagyanig, nagdulot ito ng power interruption sa maraming lungsod sa Iran at Iraq at marami sa mga residente ang nasa mga lansangan at parke dahil patuloy silang nakararamdam ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.