Pagkakaisa kontra ilegal ng droga at terorismo, panawagan ni Duterte sa pagbubukas ng ASEAN Summit
Sa pormal na pagbubukas ng 31st Association Southeast Asian (ASEAN) Summit sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sumentro sa pagkakaisa kontra ilegal na droga at terorismo ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang pahayag, idiniin din ng pangulo ang kahalagahan ng pagpapanatili sa peace at stability sa rehiyon.
Bahagi din ng pahayag ng pangulo ang paghingi niya ng paumanhin kung kinakailangang sumentro sa ilegal na droga at terorismo ang kaniyang statement.
Nais lamang umano niyang igiit na ang dalawang araw na summit ay magandang oportunidad para sa member countries na talakayin ang mahahalagang regional matters at iba pang usapin sa buong mundo.
Sinabi ng pangulo na nananatiling banta ang terorismo sa rehiyon.
“Terrorism and extremism endanger the stability of our region because the threats know no boundaries,” ayon sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.