Maria Isabel Lopez, ipinatawag na ng LTO

By Dona Dominguez-Cargullo November 13, 2017 - 10:01 AM

Pinadalhan na ng summon ng Land Transportation Office (LTO) ang aktres na si Maria Isabel Lopez.

Sa inilabas na summon, ipinatatawag sa LTO si Lopez dahil sa sumusunod na paglabag na kaniyang nagawa:

  • Disregarding traffic signs
  • Violation of the Anti-Distracted Driving Act
  • Reckless driving

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, magsasagawa sila ng karampatang imbestigasyon at gagawin ang naaayong proseso hinggil sa isyu.

Tiniyak din ni Galvante na anumang magiging desisyo ng ahensya ay salig sa rule of law.

Magugunitang si Lopez ay nag-post sa social media ng pagdaan niya sa ASEAN lane noong Sabado ng gabi.

Ipinagmalaki pa ni Lopez sa nasabing post ang pag-alis niya sa road cones para makadaan sa ASEAN lane at sinabing sinundan pa siya ng ibang motorista.

Dahil sa ginawang iyon ni Lopez, hiniling ng MMDA at DOTr sa LTO na kanselahin ang kaniyang lisensya.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ASEAN lane, Asean summit, dotr, lto, Maria Isabel Lopez, ASEAN lane, Asean summit, dotr, lto, Maria Isabel Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.