Tauhan ng environmental office sa South Cotabato, sibak sa serbisyo

S. CotabatoPagsibak sa serbisyo ang parusa sa dating Provincial Environment Management Office (PEMO) chief ng South Cotabato.

Ito ay matapos mapatunayang guilty si Ramon Ponce De Leon, dating PEMO chief sa kasong administratibo kung saan nagkaroon siya ng mga kahina-hinalang transaksyon para makatanggap ng iba’t ibang bagay.

Kasama na rin ang paghingi at pagtanggap ng iba’t ibang regalo mula a pribadong indibdiwal o kumpanya.

Nakasaad sa siyam na pahinang desisyon ng Administrative Investigation Committe sa pangunguna ni Provincial Legal Officer Atty. Romeo Sucaldito na guilty si Ramon Ponce De Leon, dating PEMO chief, matapos itong lumabag sa 7 (D) ng R.A No. 6713 at section 46 (A) (B), rule 10 of RRACES and conduct prejudicial to the best interest of the service bilang government employee.

Pinagtibay ang desisyon ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, na siyang pangunahing nagreklamo.

Una nang nasuspinde at inilipat sa iba’t ibang tanggapan sa provincial government si De Leon dahil sa nasabong kaso.

Dahil dito, wala nang matatanggap na benepisyo bilang government employee si De Leon.

Naipadala naman na sa Civil Service Commission ang isinagawang desisyon.

Read more...