PNP Chief Dela Rosa, may paalala sa mga pulis na naka-duty ngayong ASEAN Summit

By Cyrille Cupino November 13, 2017 - 08:19 AM

Pinaalalahanan ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga miyembro ng police force na bawal umabsent ngayong ASEAN Summit.

Ayon kay Bato, kanselado lahat ng leave ng mga pulis dahil sila ang inatasang magbigay ng seguridad sa mga ASEAN delegates na narito sa Pilipinas.

Bilin pa ni Gen. Bato sa mga miyembro ng police force na naka-duty ngayon na maging matikas, alerto, at bawal magtext habang naka-duty.

Pinayuhan din ng PNP Chief ang mga miyembro ng police force na magdasal na sana’y walang mangyaring masama ngayong ASEAN Summit hanggang sa makalabas ng bansa ang kahuli-hulihang head of state.

Inaasahang dadalo si Gen. Bato sa ASEAN Summit upang nakakuha rin ng tips kung paano lalabanan ang terorismo at kriminalidad sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asean summit, full alert status, PNP, Radyo Inquirer, Security, Asean summit, full alert status, PNP, Radyo Inquirer, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.