Closed van at mga truck, pwede nang dumaan sa SCTEX, NLEX at EDSA sa loob lang ng 4 na oras

By Dona Dominguez-Cargullo November 13, 2017 - 07:15 AM

Nagpalabas ng panibagong abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ipinatutupad na ban sa mga truck at closed van sa SCTEX, NLEX at EDSA ngayong panahon ng ASEAN Summit.

Sa abiso ng MMDA, mula ngayong araw, Nov. 13 hanggang sa Nov. 15, pwede na ang mga truck at closed van sa nasabing mga lansangan.

Pero maari lamang silang dumaan sa SCTEX, NLEX at EDSA mula alas 12:01 ng madaling araw hanggang alas kwatro ng umaga.

Kung lagpas sa nasabing oras ay pinapayuhan silang iwasan ang tatlong nabanggit na kalsada.

Samantala, kahit holiday nagpa-aalala ang MMDA sa mga motorista na umiiral pa rin ang number coding ngayong araw.

Una na ring nagpa-abiso ang MMDA sa mga motorista na iwasan na lamang muna ang kahabaan ng EDSA dahil sa pagsisikip sa daloy ng traffic na maaring maranasan bunsod ng pagtatalaga ng ASEAN lane para sa mga delegado.

 

 

 

 

 

 

TAGS: closed van, edsa, mmda, NLEX, SCTEX, Traffic Advisory, truck, closed van, edsa, mmda, NLEX, SCTEX, Traffic Advisory, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.