Karagdagang araw, hiniling ng Sandiganbayan upang makapagpiyansa si Napoles

By Stanley Gajete September 17, 2015 - 06:34 AM

napolesHumingi ng karagdagang sampung araw ang Sandiganbayan sa Korte Suprema upang resolbahin ang petisyong pagpipiyansa ni pork barrel queen Janet Lim Napoles.

Ayon sa mga mahistrado ng anti-graft court ng Third Division sa pangunguna ni Justice Amparo Cabotaje-Tang, hindi sapat ang 48 oras na deadline upang sagutin ang mosyon.

Matatandaang tinapos na ng Ombudsman at mga abugado ang pagdinig noong Lunes ukol sa petisyong makapagpiyansa si Napoles, kaugnay sa kasong plunder na kasalukuyan nyang kinakaharap.

Kasama sa mga hinahatulan sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at ang kanyang dating chief of staff Jessica Reyes.

Anila, maaari kasing sang-ayunan ng Korte Suprema ang desisyong makapagpiyansa si Napoles, sakaling tanggihan ng anti-graft court ang kanyang petisyon, gaya na lamang ng nangyari kay Enrile.

Kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa jail sa Bicutan, Taguig si Napoles at nakakaharap sa kasong plunder at graft charges.

Inakusahan sya matapos pangunahan ang pondo sa pork barrel ng mga mambabatas, kung saan kasali sila umano sa iba’t ibang transaksyon mula sa mga itinayong non-government organizations, kasama ang kanilang mga ghost projects.

Maliban kay Enrile, humaharap din si Senator Ramon Revilla Jr, at Jinggoy Estrada.

Maaalalang tinanggihan ng Korte Suprema ang pagdaragdag ng Sandiganbayan ng sampung araw upang resolbahin ang planong pagpipiyansa noon ni Revilla.

Samantala, ang anak ni Janet na si Jeane ay nananatiling positibo na matatapos ang isyu ng tax evasion case ng Court of Tax Appeals (CTA) laban sa kanya.

Ayon naman sa abugado nyang si Lanee David, kailangan nang malinis ang pangalan ng kanyang kliyente, bunsod na rin ng kakulangan ng ebidensya.

Humarap naman si Jeane sa CTA para sa kanyang pre trial, ukol sa kaso ng tax evasion.

TAGS: JanetLimNapoles, JanetLimNapoles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.