Basurero na hindi nakapagtapon ng basura, pinatay sa Mandaluyong

 

Patay ang isang lalaki matapos hindi magtapon ng basura sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City, araw ng Linggo.

Ayon sa mga pulis, ang biktimang kinilala lamang sa pangalan na “Ambot” ay inutusan ng suspek na si Romel Canana para itapon ang basura sa halagang P40.

Gayunman, hindi naitapon ni Ambot ang nasabing basura at nagka-diskusyon sila ni Canana na nakainom nang panahong iyon.

Dahil sa pagkakainitan, binaril ni Canana ang basurero na si Ambot.

Agad namang narespondehan ng mga pulis ang insidente matapos nilang marinig ang pagputok ng baril na nabawi rin nila mula sa suspek.

 

Read more...