Ito’y dahil wala naman umanong ipinadalang imbitasyon ang Palasyo sa bise presidente.
Hindi rin naatasan ng Malacañang si Robredo na sumalubong sa mga foreign leaders sa pagdating ng mga ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Clark International Airport at Ninoy Aquino International Airport.
Sa kabila nito, imbitado naman si Robredo na dumalo sa opening at closing ceremonies ng ASEAN Summit mamaya at bukas.
Siya rin ang magiging keynote speaker sa gaganaping ASEAN Investment and Business Summit sa Solaire Resort and Casino bukas.
Matatandaang noong ginanap ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa bansa noong 2015, binigyan pa rin ng Malacañang ng papel si dating Vice President Jejomar Binay kahit na kumalas na siya sa administrasyon.
Bilang pangalawang pangulo, si Binay noon ang sumalubong sa mga bisitang lider ng iba’t ibang bansa.