VP Robredo, wala sa ASEAN gala dinner

By Kabie Aenlle November 13, 2017 - 03:44 AM

 

Walang Vice President Leni Robredo na namataan sa ginanap na gala dinner ng mga Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders, Linggo ng gabi.

Ito’y dahil wala naman umanong ipinadalang imbitasyon ang Palasyo sa bise presidente.

Hindi rin naatasan ng Malacañang si Robredo na sumalubong sa mga foreign leaders sa pagdating ng mga ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Clark International Airport at Ninoy Aquino International Airport.

Sa kabila nito, imbitado naman si Robredo na dumalo sa opening at closing ceremonies ng ASEAN Summit mamaya at bukas.

Siya rin ang magiging keynote speaker sa gaganaping ASEAN Investment and Business Summit sa Solaire Resort and Casino bukas.

Matatandaang noong ginanap ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa bansa noong 2015, binigyan pa rin ng Malacañang ng papel si dating Vice President Jejomar Binay kahit na kumalas na siya sa administrasyon.

Bilang pangalawang pangulo, si Binay noon ang sumalubong sa mga bisitang lider ng iba’t ibang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.