Sultan Bolkiah, pinasalamatan ni Duterte sa mga tulong ng Brunei sa Pilipinas

By Kabie Aenlle November 13, 2017 - 02:34 AM

 

Mainit ang naging pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei dahil sa pagtulong ng kanilang bansa sa Pilipinas sa mga panahon ng disaster.

Nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na personal na makapag-pulong bago maganap ang gala leader par sa mga Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders at mga dialogue partners.

Lubos ding nagpasalamat si Duterte kay Bolkiah para sa pagdalo sa ASEAN Summit, pati na sa matibay na ugnayan ng Bruney at ng Pilipinas.

Pinasalamatan rin ni Duterte ang aniya’y “extraordinary service to humanity” ng Brunei.

Una nang nagkita ang dalawa sa Brunei noong Oktubre nang dumalo si Duterte sa golden jubilee celebration ng pag-upo bilang Sultan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.