DILG, sinita din ang ginawa ni Maria Isabel Lopez sa ASEAN lane

 

Hindi rin ikinatuwa ni Department of Interiot and Local Government (DILG) officer-in-charge Catalino Cuy ang ginawa ng aktres na si Maria Isabel Lopez na pagtanggal sa mga traffic cones at pagdaan sa lane na nakatalaga para daanan ng mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.

Ayon kay Cuy, hindi nila hahayaang ipasawalang bahala ng ninuman ang kanilang mga planong pang-seguridad ngayong kasagsagan ng ASEAN summit.

Ayon sa kalihim, dapat ay pinag-isipan ni Lopez ang magiging impact ng kaniyang mga ginawa sa ibang tao.

Walang humpay aniya ang ginagawa nilang paalala sa publiko na kaya ginawa ang mga batas trapiko ay para makasagip ng buhay at maisaayos ang daloy ng trapiko lalo na’t ang Pilipinas ang host ngayon ng nasabing pagpupulong.

Naniniwala naman si ASEAN Technical Working Group on Traffic Management chair Emmanuel Miro na dapat aksyunan ng mga otoridad ang pag-suway ni Lopez.

Ayon kay Miro, dapat pairalin ang batas sa lahat ng tao, ordinaryo man o tanyag tulad ng aktres.

Magsasagawa aniya ng imbestigasyon tungkol sa pangyayari at kung kakailanganin, magsasampa din ng kaso laban kay Lopez.

Kabilang sa mga reklamong maaring ihain laban sa aktres ay pag-balewala sa traffic signs.

Read more...