51 contraceptives, walang taglay na ‘abortifacient’ ayon sa FDA
Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi abortifacient o nagsasanhi ng abortion ang 51 na contraceptive products, kabilang na ang kontrobersyal na Implanon at Implanon NXT.
Sa inilabas na advisory ng FDA, sinabi ng ahensya na natapos na nila ang kanilang re-evaluation sa 51 na contraceptive products.
Matatandaang nagpatupad ang Supreme Court ng temporary restraining order sa 51 na contraceptive products matapos itong hilingin ng mga Alliance for the Family Foundation, Philippines Inc. (ALFI).
Ang dalawang taong TRO na ipinatupad ng Supreme Court ay naglalayong bigyan ng panahon ang recertification process ng FDA.
Una nang iginiit ng mga Reproductive Health Law advocates na ang recertification ng mga naturang contraceptives ang magpapatunay na ligtas gamitin ang mga ito at na hindi ito nagtataglay ng mga abortifacient properties.
Ayon pa sa FDA, pumasa naman ang mga ito sa mahigpit na requirements sa technical review at reevaluation process na kanilang isinagawa.
Sa ngayon ay inilagay na ng FDA sa kanilang website ang kumpletong listahan ng mga naturang contraceptives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.