Trudeau bumisita sa women’s center; umorder pa ng take-out sa fastfood chain

By Jay Dones November 12, 2017 - 08:00 PM

 

Ted Albije, AFP/Inquirer.net

Muling ipinaramdam ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kung bakit mahal siya ng mga Pilipino at ng maraming tao sa buong mundo.

Ilang oras lamang matapos itong dumating sa bansa upang dumalo sa ASEAN Summit, nagawa nitong bumisita agad sa isang women’s advocacy center sa Maynila.

Bukod dito, umorder pa ng pagkain ang pinakamataas na lider ng Canada sa isang kilalang fastfood chain sa North Harbor.

Unang dumalaw sa Likhaan, isang non government organization sa Maynila si Trudeau at nakisalamuha sa mga kababaihan at mga kabataan doon.

Pagkatapos nito, kasama ang maraming security detail, nagtungo ito sa North Harbor branch ng Jollibee, umorder ng pagkain at nagpakuha pa ng larawan sa mga staff at customer doon.

Sa kasalukuyan, umaani na ng libu-libong ‘likes’ sa social media ang mga larawan ni Trudeau na umoorder sa naturang fastfood chain at ang pagdalaw nito sa women’s center.

Ang 45-anyos na si Trudeau ay nasa bansa upang dumalo sa ika-31 ASEAN Summit kasama ang ilan pang world leaders sa Asya at iba pang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.