Sa talumpati ng pangulo sa ASEAN Business and Investment Summit, sinabi nito na mas makabubuting hindi na muna na maging agresibo ang Pilipinas sa naturang usapin.
May ilan aniyang maiinitin ang ulo na gusto nang makipag-giyera at komprontahin ang China hindi lang sa South China Sea kundi maging sa iba pang isyu.
Pero ayon sa pangulo, hindi kakayanin ng Pilipinas ang makipag-giyera sa China.
Iginit pa ng pangulo na nang magkaroon sila ng bilateral meeting ni Chinese President Xi Jin Ping sa APEC summit sa Vietnam, sinabi ng Punong Ehekutibo sa Chinese leader na gusto niyang maipreserba ang buhay ng mga Filipino.
Nangako rin aniya si Xi na gusto rin niyang maipreserba ang buhay ng mga Chinese kung kaya useless ang magkaroon ng giyera.
Sa naturang pagtitipon, nangako rin ang pangulo na buhuhusan niya ng sapat na pondo ang micro small and medium enterpreses sa susunod na taon.
Ayon sa pangulo, may mga buwis na hindi nabayaran noong mga nakaraang taon at nakolekta na ito ngayon.
Giit pa ng pangulo, babaguhin niya ang General Appropriations Act sa susunod na taon para paglaanan ng sapat na pondo ang mga maliliit na negosyante.
Sinabi pa ng pangulo na ang MSME ang nagsisibilang pinaka-basic na unit ng ekonomiya ng bansa.
Umapela rin ang pangulo sa mga revolutionary groups na maghinay- hinay at may magandang programang inihahanda ang gobyerno.
Samantala, nagsisimula na ngayon ang gala dinner sa SMX Convention Center kung saan si Pangulong Duterte rin bilang chairman ng ASEAN ang magho-host.