Gender equality isinulong ni Aung San Suu Kyi sa ASEAN -Business ang Investment Summit

Sumentro sa gender equality at karapatan ng mga babae ang talumpati kaninang hapon ni Myanmar State Counsel Aung San Suu Kyi.

Sa keynote speech ni Suu Kyi sa ASEAN Business and Investment Summit sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City, sinabi nito na hanggang ngayon, laganap pa rin ang diskriminasyon kung saan nananaig ang mga lalaki.

Iginiit pa ni Suu Kyi na dapat bigyang prayoridad ang edukasyon sa mga babae para makasali sa work force at mabura na ang diskriminasyon.

Hindi naman binanggit ni Suu Kyi ang kritisimo sa kanyang bansa kaugnay sa human rights violations sa mga Rohingyan refugees.

Samantala, inilunsad din kanina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN mentorship for entrepreneurs.

Read more...