Feeding program para sa mga bakwit, isinagawa ng Army-CMO

By Erwin Aguilon November 12, 2017 - 06:54 PM

 

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsagawa ng feeding program ang mga tauhan ng Civil Military Operation ng Philippine Army sa mga bakwit sa kapitolyo ng Lanao del Sur.

Naglagay ang mga ito ng tent sa isang bahagi ng capitol complex para sa kanilang feeding program.

Ito ayon sa mga tauhan ng CMO ay upang makatulong sa mga lumikas na residente ng Marawi City.

Matapos namang kumain ang ilang mga batang bakwit, sumayaw ang mga ito sa harap ng kanilang mga kasamang nagsilikas sa saliw ng awiting Awit sa Marawi.

Bagama’t nakakatawa na hindi naman naalis sa mukha ng mga bakwit ang bakas problema na idinulot sa kanila ng nagdaang digmaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.