PNP-HPG, nakatanggap ng mga karagdagang donasyon

By Kathleen Betina Aenlle September 17, 2015 - 05:34 AM

php-hpg1Unti-unti nang natutupad ang mga kahilingan ng mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group matapos ang mga dumagsang donasyon ng mga sunblock, gamot, face towels at shirts mula sa mga pribadong kumpanya.

Malaki ang pasasalamat ng PNP-HPG sa mga donasyon na nakamit nila, pero hinikayat din ng pamunuan ng HPG ang mga pribadong kumpanya na tulungan rin ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sapagkat sila ang mga kasama nila sa pagmamando ng trapiko sa EDSA.

Ito ang apela ni HPG deputy director Senior Superintendent Sheldon Jacaban sa turnover ceremony na naganap kahapon, kung saan nakatanggap ang kanilang hanay ng 200 packs ng gamot, sachet ng sunblock lotions, at hygiene kits na may kasamang puting V-neck na t-shirt at face towel, lahat mula sa iba’t ibang pribadong kumpanya.

Samantala, ayon kay Dr. Jun Pascual ng Philippine Dermatological Society, nakahanda ang buong 900 na miyembro ng kanilang organisasyon para ihandog ang kanilang serbisyo sa mga HPG, MMDA at lokal na pulisya na magkakaroon ng sakit sa balat dulot ng pagkabilad nila sa araw habang nagtatrabaho.

Mula nang nag-umpisa ang HPG sa pagmamando ng trapiko sa EDSA, maraming miyembro ng pribadong sektor ang nag-bigay ng mga tents, kapote, flashlight at mga skin care products matapos umapela ng suporta ang kanilang hepe na si Chief Superintendent Arnold Gunnacao para sa kaniyang mga tauhan.

TAGS: PNP-HPGgetsdonation, PNP-HPGgetsdonation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.