Tatanggap na ang Myanmar ng mga returnees mula sa Bangladesh papuntang Rakhine State.
Ayon sa kanilang Health and Sports Ministry, layon nilang magbukas ng temporary clinic at bumuo ng mobile teams upang mabigyan ng health care services ang mga returnees.
Magbibigay din ang gobyerno ng Myanmar ng isang araw kung saan pwedeng tumuloy ang mga returnees sa Taungpyoletwe at Ngakhura villages.
Makalipas naman ang isang araw na pagpapatuloy sa mga ito ay dadalhin na sila sa Dargyisar village kung saan sila pansamantalang maninirahan.
Magkakaron ng verification process ang kani-kanilang departments para mag-isyu ng national verification cards at nation identity cards para sa kanilang biometrics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.