NoKor, terorismo, ilan sa gustong pag-usapan ng Australia sa ASEAN Summit
Nais ni Australian Prime Minister Malcom Turnbull na mapag-usapan ang tungkol sa North Korea at Islamist terrorism na pawang mga banta sa regional stability sa isasagawang Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong darating na linggo.
Ani Turnbull, pinakamalaking banta sa rehiyon ang North Korea na maituturing na isang ‘criminal regime.’
Dagdag pa ni Turnbull, gusto niyang makausap si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Islamist terrorism sa katimugang bahagi ng Pilipinas na isa ring security issue.
Matatandaang noong Setyembre ay sinabi ng Australia na magpapadala sila ng tropa na magsasanay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na noon ay kasalukuyang nakikipagbakbakan sa ISIS-inspired Maute terror group.
Ayon pa kay Turnbull, importante ang tulong na maibibigay ni Indonesian President Joko Widodo sa pagsugpo sa Islamist extremism dahil siya ang pinuno ng maituturing na pinakamalaking Muslim-majority country kung saan demokrasya ang pinaiiral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.