Convoy ng Cambodian Ministers, nasaksihan ang traffic gridlock sa EDSA

Cambodian Prime Minister Hun Sen | AP Photo

Nasaksihan ng mga opisyal mula sa Cambodia ang nangyaring traffic gridlock bunsod ng pagsasara ng innermost lanes ng EDSA para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Inabot ng dalawang oras ang naging biyahe ng convoy mula Clark Freeport sa Pampanga hanggang Metro Manila.

Higit ito sa 90-minute travel time na target ng ASEAN traffic committee sa transportasyon ng mga delegado mula Clark hanggang Metro Manila.

Nauna nang sinabi ng traffic group na kasama sa convoy si Prime Minister Hun Sen ngunit agad namang binawi nang makarating na ang Cambodian ministers sa Maynila.

Umalis ang convoy ng mga ministers sa Clark bandang 6:36 ng gabi.

Ayon sa Metro Manila Development Authority, bumagal ang takbo ng convoy ng mga opisyal dahil sa malaking volume ng mga sasakyan sa Paso de Blas na bahagi ng North Luzon Expressway.

Gayunman, ang traffic ay mas malalasa EDSA at nakita ng mga opisyal mula sa kanilang convoy ang pila ng mga sasakyan maging ang mahahabang pila ng mga commuters na naghihintay ng masasakyan.

Nakarating naman ang convoy sa Makati City bandang 8:40 ng gabi.

Read more...