Safe passage ng lahat ng bansa sa SCS, siniguro ni Xi Jinping kay Duterte

Siniguro ni Chinese President Xi Jin Ping kay Pangulong Duterte ang “right of safe passage” ng Pilipinas at ng iba pang mga bansa sa kontrobersyal na South China Sea.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang arrival speech mula sa kanyang pagdalo sa  Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Vietnam.

Nagkaroon ng closed-door bilateral meeting ang dalawang lider sa Crowne Plaza Da Nang Resort matapos ang pagtalakay ni Pangulong Duterte sa summit ng isyu ukol sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nakasaksi mismo sa pagpupulong, “direkta” ang naging diskusyon ng dalawa.

Matatandaan na nauna naging ipinahayag ng Pangulo bago ang APEC na magiging “prangka” siya sa pagdulog ng mga isyu ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member states sa isinasagawang militarisasyon at reclamation sa pinag-aagawang mga teritoryo.

Ayon sa Pangulo, ito ang nararapat gawin dahil ang Pilipinas ang Chairman ng Asean ngayong taon.

Samantala, ayon kay Roque iginiit naman ni Xi na magpapatuloy ang diskusyon sa Code of Conduct at inaasahang matatapos ito.

Read more...