TINGNAN: Marian Rivera at Dingdong Dantes nakasalamuha si Cambodian PM Hun Sen
Nakadalo ang celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa welcoming dinner para sa Association of Southeast Asian Nations sa Midori Hotel sa Pampanga, kagabi.
Ito ay matapos imbitahan mismo ni Cambodian Prime Minister Hun Sen si Rivera dahil sa sikat ito sa kanyang bansa dahil sa pagpapalabas ng kanyang mga teleserye doon.
Ibinahagi mismo ni Dantes sa kanyang Instagram ang kanilang larawan kasama si Hun Sen.
Ang lider ng Cambodia at si Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi nga ang naunang dumating sa bansa para sa summit.
Isinilbi ang sikat na Filipino dishes sa nasabing dinner na pinangunahan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.