Ayon kay Negros Occidental Representative Alfredo Benitez, oras na para marepaso ang batas tungkol sa budol-budol, partikular na sa pagtataas ng multa at parusa sa naturang krimen.
Ani Benitez, nakakaalarma ang bilang ng mga kasong nirereport ng media.
Batay sa datos ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force, 1990s pa nang magsimula ang pananalakay ng budol-budol at simula noon ay nasa mahigit 20 na ang naaresto ng mga otoridad.
Ngunit tila hindi naging hadlang ang naturang bilang para tumigil na ang naturang grupo sa kanilang modus operandi.