Mga kaso ng budol-budol, paiimbestigahan sa Kongreso

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 04:00 AM

Nais ng isang kongresista na magkasagawa ng imbestigasyon ang Kongreso tungkol sa magkakasunod na insidente ng budol-budol, kung saan madalas na binibiktima ang mga senior citizen at mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Negros Occidental Representative Alfredo Benitez, oras na para marepaso ang batas tungkol sa budol-budol, partikular na sa pagtataas ng multa at parusa sa naturang krimen.

Ani Benitez, nakakaalarma ang bilang ng mga kasong nirereport ng media.

Batay sa datos ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force, 1990s pa nang magsimula ang pananalakay ng budol-budol at simula noon ay nasa mahigit 20 na ang naaresto ng mga otoridad.

Ngunit tila hindi naging hadlang ang naturang bilang para tumigil na ang naturang grupo sa kanilang modus operandi.

TAGS: Budol-budol, Congress investigation, Negros Occidental Representative Alfredo Benitez, Budol-budol, Congress investigation, Negros Occidental Representative Alfredo Benitez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.