Buwaya, umatake sa Palawan; batang babae, nawawala

By Rhommel Balasbas November 12, 2017 - 03:58 AM

iNQUIRER File Photo

Isang 12-anyos na batang babae ang nawawala sa Palawan matapos atakihin ng buwaya ayon sa pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, sumasalok lamang ng tubig ang biktima sa mapunong lugar sa lalawigan nang atakihin siya ng buwaya.

Nakita ng kanyang takot na takot na mga kapatid ang insidente.

Kasalukuyang isnasagawa ng coast guard at ng pulisya ang search operations ngunit walang nakikitang anumang senyales mula sa bata.

Ito na ang ikalawang beses na pag-atake ng buwaya sa Palawan sa loob lamang ng halos isang buwan.

Noong Oktubre, isang babae rin na sumasalok ng tubig ang nakagat ng buwaya ngunit nagawang makatakas matapos batuhin ng kanyang pamangkin ang buwaya dahilan upang magpumiglas ito.

TAGS: 12 y/old went missing, Palawan crocodiles, 12 y/old went missing, Palawan crocodiles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.