Suspek sa budol-budol, lumutang

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 03:55 AM

iNQUIRER File Photo | Budol Budol

Dumulog sa himpilan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang suspek sa budol-budol para umano linisin ang kanyang pangalan.

Itinuro ng biktimang si Leonardo Austria ang suspek na si Lucy Rabuyo na isa umano sa mga tumangay sa kanyang mahigit P8 milyong ipon.

Ngunit nang magkaharap ang dalawa ay binawi naman ni Austria ang kanyang pahayag at sinabing magkahawig lamang sila ng nambiktima sa kanya.

Bagaman binawi ng biktima ang paratang ay nagsagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga otoridad laban kay Rabuyo at dito nalaman na isa ito sa mga nakasuhan ng pambubudol ngayong taon.

Nakasaad sa record ng mga otoridad na P3.7 milyon ang kinuha ng mga suspek mula sa isang taga-Cavite.

Giit naman ni Rabuyo, hindi siya miyembro ng budol-budol gang.

TAGS: Budol-budol, Budol-budol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.