Lalaki, patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 03:52 AM

Nakahandusay at wala nang buhay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay 105, Zone 8, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Angelo Tioco na isang nangangalakal ng basura sa lugar.

Sinasabing nakainom umano ang biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, malapitang binaril sa mata ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Ayon sa mga saksi, dalawang lalaki ang lumapit sa biktima at isa dito ang may hawak ng baril at pinaputukan si Tioco. Isa umano dito si Marcial Rosendal at lalaking kinilala lamang sa alyas na Guerrero.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para matunton ang mga salarin sa pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.