Isang lalaki, pinagbabaril sa Barangay Payatas, QC

By Justinne Punsalang November 12, 2017 - 03:50 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong limang beses na pagbabarilin sa kahabaan ng Ilang-ilang Street, Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Kevin Mendez, labing siyam na taong gulang.

Ayon sa mga kaibigan nito, nakipag-inuman sa kanila ang biktima at nang sila ay papauwi na ay tinanong umano nito ang mga kaibigan kung mayroon bang nag-hahanap sa kanyang lalaki.

Dito na nila napansin na may nakasukbit na patalim sa kanyang baywang.

Ilang sandali ang lumipas nang makarinig sila ng limang putok ng baril. Nang magsiyasat sila ay doon nila nakita ang nakabulagta at wala nang buhay nitong katawan.

Sinasabing dalawang lalaki ang may gawa ng pamamaril.

Samantala, hindi naman napigilan ng kapatid ng biktima na mapahagulgol nang makita ang kapatid. Bagaman hindi nagpaunlak ng panayam ay paulit-ulit nitong sinasabi na ilang beses na niyang sinasabihan ang kapatid na ‘tumigil na.’

Patuloy pa imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.