UK, itinuturing nang most obese nation sa Kanlurang Europa – OECD

Itinuturing nang “considerably worse” o malala ang problema ng United Kingdom sa “obesity” o pagiging overweight at mataba.

Ayon sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), 63 percent ng adults sa Britanya ngayon ay itinuturing nang overweight.

Ang naturang bilang ay mas mataas nang doble matapos ang dalawang dekada.

Dahil dito, ikaanim na ang UK sa “heaviest” o pinakamabigat sa 35-member club ng mayayamang bansa sa Europa.

Ayon sa OECD, historically high ang naging pagtaas sa bahagdan ng obesity sa UK mula 1990s kung saan naitala ang 92 percent na pagtaas kumpara sa United States na may 65 percent lang.

Kinikilala naman ng OECD ang mga kampanya ng bansa para labanan ang obesity tulad ng pagba-ban ng mga hospital sa mga “super-size” na chocolate bars at pagdadagdag sa buwis sa asukal.

Gayunpaman, iginiit ng organisasyon na mas marami pa sanang maaaring gawin.

Sa kabila nito, sinabi rin ng OECD na nananatili namang nasa average ang over-all health at life expectancy ng mga Briton.

Read more...